PABAHAY SA QC, MAY KATUPARAN! 🏘️

Maaliwalas ang pagpasok ng 2025 sa QCitizens ng Barangay Baesa matapos ang inagurasyon ng 5-storey Baesa Housing Project.

Ang housing project ay may 150 units at kasalukuyang inookupa ng 110 pamilyang QCitizens. Mayroon itong malawak na housing units, parking lot, playground at open space, at rooftop.

Personal na kinumusta nina Mayor Joy Belmonte, District 6 Rep. Marivic Co-Pilar at Chief of Staff Rowena Macatao ang mga pamilyang naninirahan dito.

+6