Pinasinayaan na ng lokal na pamahalaan ang bagong Covered Court sa Parkwood Hills Violago Homes Subdivision sa Barangay Bagong Silangan ngayong araw.
Maaring magamit ang court upang makapaglaro ng volleyball o badminton. Maayos din ang mga comfort rooms nito.
Pinangunahan ni District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro ang ribbon cutting ceremony kasama sina P/B Willy Cara, City Architect Arch. Lucille Chua, Engr. Noah Cruz ng City Engineering Department, HOA President Reynaldo Apura, Engr. Terea Mercado at Arch. Mary Tecson ng Parks Development And Administration Department.
Bahagi ng 14-point agenda ni Mayor Joy Belmonte ang pagpaparami at pagpapalawak ng mga open at green spaces na mapakikinabangan ng mga QCitizens.