Mas pinalawak pa ng BPO company na Afni ang kanilang operasyon sa lungsod, nang pormal nilang buksan ang panibagong palapag sa kanilang Fairview office.

Isa si Mayor Joy Belmonte sa mga nakibahagi sa ribbon-cutting ceremony, kasama sina Afni COO Kathey Poley, Afni VP and Country Manager Khalid Khursheed, at Afni VP of Operations Alain Katigbac.

Tiniyak ni Mayor Joy na ibibigay ng lokal na pamahalaan ang buong suporta nito sa mga BPO company tulad ng Afni na nagbubukas din ng maraming oportunidad para sa mga QCitizen.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 4,000 empleyado ang Afni na karamihan ay QCitizen. Ang bagong palapag naman ay kayang mag-accommodate ng 1,000 pang BPO employees.

Kasama rin na nakiisa sa ribbon-cutting ceremony sina Department of Information and Communications Technology (DICT) Usec. Atty. Paul Joseph Mercado, Contact Center Association of the Philippines Managing Director Rosario Cajucom-Bradbury, Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head Margie Santos, Local Economic Investment and Promotions Office (LEIPO) Chief Jay Gatmaitan, at District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro.

+17