Ginanap kanina ang inauguration ng Baesa Columbarium sa Brgy. Baesa, Quezon City.

Ihihimlay sa columbarium ang mga yumaong residente ng lungsod. Mayroon itong burulan, chapel, at crematorium.

Tuloy-tuloy ang pagpapagawa nito upang mas dumami pa ang paglalagakang vault. Magkakaroon din ng park para mas maging maaliwalas ang pakiramdam ng mga bibisita.

Personal itong pinuntahan nina Mayor Joy Belmonte, Coun. Banjo Pillar, Coun. Kristine Matias, Coun. Doc Ellie Juan, Coun. Vito Sotto, City Administrator Mike Alimurung, Chief of Staff Weng Macatao, District 5 Action Officer William Bawag, District 6 Action Officer Atty Mark Aldave, Engineering head Atty. Dale Perral, Civil Registry head Jun Cariño, Jr., at mga opisyal ng Barangay.

+17