Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
SERBISYONG MEDIKAL, ABOT KAMAY NA! ![]()
![]()
Maaliwalas, ligtas, at kumpletong serbisyong medikal ang handog ng Health Center sa Barangay Balingasa na pinasinayaan ni Mayor Joy Belmonte ngayong Sabado.
Upang makapaghatid ng kinakailangang tugon sa QCitizens ng District 1, isinaayos ang main building nito kasama ang 8 medical rooms, perimeter fence, at ang coughing & hazardous waste area ng pasilidad.
Alinsunod ito sa nais ng alkalde na mas mailapit ang serbisyo ng lokal na pamahalaan sa bawat residente ng lungsod.
Dumalo sa seremonya sina City Health Officer Dr. Ramona Abarquez, Chief of Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, Action Officer Ollie Belmonte, at P/B Tes Montalbo.










