Pinasinayaan ni Mayor Joy Belmonte ang bagong 3-storey building ng Bayanihan Barangay Hall sa District 3.
Sa bagong bihis na pasilidad, mayroon itong clinic, disaster room, CCTV room, senior citizen office, BPSO office, daycare center, social hall, punong barangay office, stock rooms, at fitness gym.
Ayon sa Alkalde, prayoridad ng lokal na pamahalaan ang pagpapatayo ng mga dekalidad na imprastraktura sa lungsod para sa mga QCitizen.
Katuwang ni Mayor Joy sa ribbon cutting at blessing ceremonies sina Coun. Wency Lagumbay, Coun. Atty. Anton Reyes, QC Engineering Department OIC Atty. Dale Perral, D3 Action Officer Atty. Thomas De Castro, Barangay Bayanihan P/B Mark Escusa, Barangay Villa Maria Clara P/B Danilo Mojica, at mga kagawad.