Bukas na ang Barangay Disaster Risk Reduction Management (BDRRM) Office ng Brgy. Quirino 3-A, District 3, Quezon City!
Kasama sa pagbubukas nito ang basketball court at gym para sa mga residente na nais maging mas malusog at matatag ang pangangatawan.
Ang blessing at inauguration ceremony ay dinaluhan nina Mayor Joy Belmonte, District 3 Rep. Franz Pumaren, Coun. Chuckie Antonio, Punong Brgy. Bimbo Dela Cruz, City Engineering Head Atty. Dale Perral at Atty. Zandy Zacate ng Infrastructure Committee.