D2 ACTION CENTER, BUBUKSAN NA! ![]()
Malapit nang maghatid ng mga serbisyo sa publiko ang District 2 Action Center matapos itong pasinayaan ni Mayor Joy Belmonte ngayong Sabado.
Nilibot ng alkalde ang bagong tayong 5-storey Action Office sa Barangay Batasan Hills, nasa 94% na ang completion rate nito.
Lalagyan ito ng opisina ng mga departamento ng City Hall upang mas mailapit ang local government services sa QCitizens.
Magkakaroon ito ng pharmacy, clinic, multi-purpose area, mga opisina para sa mga konsehal, action officer, malawak na conference room, staff area, at roof deck na maaaring magamit sa iba-ibang aktibidad.
Kasama sa inauguration sina Chief of Staff Rowena Macatao, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, City Engineer Atty. Dale Perral, City Architect Ar. Red Avelino, Internal Audit Service head Atty. Noel Gascon, at Kagawad Cedi Abad.










