Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
NEW DOG PARK IN QMC! ![]()
![]()
![]()
Binuksan na ni Mayor Joy Belmonte ang bago at malawak na Dog Park sa Quezon Memorial Circle (QMC) ngayong Sabado.
Layunin ng bagong proyekto na isulong ang pagiging pet-friendly ng QMC at mahikayat ang QCitizens na tangkilin ang open spaces sa lungsod.
Maaaring mag-enjoy ang mga furbabies sa mga play areas at obstacles ng parke tulad ng open tunnel, set up, at A frame.
Mayroon din itong litter bins para sa mga kalat at benches para makapag-relax sa park ang furparents.
Dumalo sa pagpapasinaya ng bagong park sina QMC Administrator Windsor Bueno, City Engineer Atty. Dale Perral, Chief of Staff Rowena Macatao, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, at District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate.










