Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
MASAMBONG HEALTH CENTER, READY FOR SERVICE! ![]()
Handang-handa nang maghatid ng serbisyong medikal ang rehabilitated Masambong Health Center sa QCitizens ng District 1.
Isinaayos ang main building na may 16 medical rooms, coughing & hazardous waste area, PWD ramp, at ang mga daanan ng pasilidad.
Natatangi ang Health Center dahil mayroon itong Negative Air Pressure Unit upang masigurong malinis ang kalidad ng hangin para sa mga kaligtasan ng pasyente at kawani ng pasilidad.
Kasama ni Mayor Joy Belmonte sa pagpapasinaya sina City Health Officer Dr. Ramona Abarquez, Chief of Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, at Action Officer Ollie Belmonte.










