Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
May dagdag pahingahan at palaruan para sa mga residente ng Barangay South Triangle!
Ngayong Lunes, pormal nang binuksan ang mini park sa tabi ng barangay hall.
Ang ipinagawang parke ng Konseho ng South Triangle, sa pangunguna ni P/B Beverly Gaw, ay may playground area para sa mga bata, at recreational area para sa mga senior citizen at mga residenteng nais magpahinga.
Dumalo sina Mayor Joy Belmonte at District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate sa ceremonial ribbon-cutting ng parke.










