BAGONG OPEN FIELD SA QMC, BUKAS NA!
Pinasinayaan ni Mayor Joy Belmonte ang bagong pasyalan at malawak na multi-purpose Open Field sa Quezon Memorial Circle (QMC) ngayong Sabado.
Aabot sa 12,000 sqm ang kabuuang sukat ng open space sa QMC na maaaring magamit ng QCitizens sa kanilang aktibidad tulad ng sports, recreation, tambayan, at iba-ibang community activities.
Mayroon itong walk path na may mga lamp posts, scenic view ng Pylon, pond, at amphitheater sa gitna ng open field.
Magkakaroon din ito ng retention pond at detention tank bilang sagot sa pagbabaha. Ang makokolektang tubig dito ay magagamit para sa iba pang proyekto.
Nakiisa sa ribbon cutting ceremony kasama ni Mayor Joy sina QMC Administrator Windsor Bueno, City Engineer Atty. Dale Perral, Chief of Staff Rowena Macatao, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, at District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate.










