Nakiisa ang lokal na pamahalaan sa pagbubukas ng bagong opisina ng non-government organization at political foundation na Konrad-Adenauer-Stiftung (KAS) Philippines.
Bilang kilalang nangunguna sa pagsusulong ng good governance, Quezon City ang isa sa study sites na pinupuntahan ng mga delegado ng Young Leaders Program ng KAS.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang KAS na patuloy na sumusuporta sa mga Pilipino, lalo na sa mga kabataan, sa pagka-kampeon ng good governance at pagtitiyak ng innovation-driven leadership.
Hinimok din ng alkalde ang KAS na palawakin pa ang kanilang network sa mga local government, bumuo ng safe space para sa honest conversation at collective action, at mag-invest sa mga kabataan na magiging lider ng susunod na henerasyon.
Kasama ni Mayor Joy na dumalo sa pagbubukas ng bagong opisina ng KAS sina German Ambassador to the Philippines H.E. Andreas Michael Pfaffernoschke, KAS Head of the Asia-Pacific Department Mr. Christian Echle, at KAS Country Director Ms. Daniela Braun.








