BAGONG PASILIDAD SA COMMONWEALTH!
Dumalo sina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto sa pagpapasinaya ng bagong multipurpose and commercial building ng Barangay Commonwealth ngayong araw.
Mayroon itong 22 stalls, malawak na ground floor, at 2nd floor na maaring magamit sa iba-ibang aktibidad ng barangay.
Ikinatuwa ng Alkalde ang inisyatibo ng Barangay Commonwealth dahil naipatayo nila ang pasilidad. Malaki rin ang maitutulong nito sa QCitizens na nais magnegosyo sa barangay.
Dumalo rin sa pagpapasinaya sina District 2 Councilors Aly Medalla, Dave Valmocina, Candy Medina, Rannie Ludovica, Mikey Belmonte, Atty. Bong Liban, P/B Manuel Co and council, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, at Atty. Joren Tan bilang kinatawan ni Rep. Ralph Tulfo.




