Pormal nang pinasinayaan ang Bagong Urgent Care and Ambulatory Service (BUCAS) Center sa Philippine Heart Center!
Pinangunahan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang inauguration ceremony ng BUCAS, kasama sina Mayor Joy Belmonte, Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa, PHC Executive Director Avenilo Aventura, Jr, at mga doktor ng ospital.
Ang BUCAS ay bahagi ng Modernization for Health Equity 28 for 28 by 28 initiative ng DOH na layong magbigay ng mataas na kalidad na health services sa mga Pilipino.