Pormal nang binuksan ang bagong gusali ng Quezon City Police District – Bagong Silangan Police Station (Station 13) ngayong umaga.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, QCPD Director PBGen Remus Medina, Station 13 Commander PtlCol. Roldante Sarmiento, Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, City Engineer Isagani Versoza, Bagong Silangan Chairman Wilfredo Cara, at ilang kasapi ng Konseho ng Lungsod ang inauguration at blessing ng bagong tayong building.
Ang Bagong Silangan Police Station ang nakakasakop at ang tagapagpanatili ng kaayusan at seguridad ng mga QCitizen sa Barangay Bagong Silangan at Payatas na kabilang sa mga pinakamalaki at pinaka-mataong barangay sa QC.
Upang ibayong mapabilis din ang responde at mapaigting ang police visibility sa buong lungsod, nagbigay din ang QC ng mga patrol cars para sa iba-ibang QCPD police station.
Ayon kay Mayor Joy, patuloy na makikipagtulungan ang Quezon City government sa pangkat ng QCPD upang patuloy na mapanatili ang pagiging payak, mapayapa, at ligtas na siyudad.