Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bukas na ang water quality at drug testing laboratories ng Quezon City Health Department! ![]()
Ang water quality testing laboratory ay makakatulong para masiguro ang kalidad ng tubig sa mga regulatory sampling points, health facilities, paaralan, at mga maliliit na negosyo tulad ng water refilling stations at ice plants.
Ang drug testing facility naman ay magbibigay ng mabilis at de-kalidad na serbisyo sa substance abuse prevention, at regulatory compliance.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at QC Health Officer Dr. Ramona Abarquez ang pormal na pagbubukas ng mga pasilidad sa QCHD building.
Ang drug testing laboratory ay nasa ground floor ng gusali, habang nasa 2nd floor naman ang water quality testing laboratory.








