Adbokasiya ng lokal na pamahalaan ang zero illiteracy sa Quezon City.
Malaking tulong dito ang mga library, gaya ng bagong bukas na Quezon City Public Library – Matandang Balara Branch. Ito ang pang-30 na branch ng pampublikong aklatan sa lungsod.
Dinaluhan ang blessing at inauguration nina Vice Mayor Gian Sotto, Coun. Anton Reyes, Barangay Chairman Allan Franza, at District 3 Action Officer Tommy De Castro.