Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
REHABILITASYON NG PUGAD LAWIN HS, TAPOS NA! ![]()
Ganap nang mapakikinabangan ng mga estudyante ng Pugad Lawin High School ang kanilang eskwelahan matapos itong pasinayaan ni Mayor Joy Belmonte ngayong Sabado.
Kasama sa mga isinaayos ang 4 school buildings na may 58 classrooms, covered court, fences, library, at iba pang pasilidad sa eskwelahan.
Nais ni Mayor Joy na manatiling bukas ang gate na katabi ng Dambana ng Pugad Lawin at Interpretation Gallery upang tangkilikin at maging open space para sa mga estudyante.
Nakiisa sa seremonya sina Chief of Staff Rowena Macatao, Action Officer Ollie Belmonte, Education Affairs Unit OIC Maricris Veloso, at Principal Joseph Adan.










