Pagbati sa pamunuan ng RGS Recovery Management & Collection Services, Inc. na nag-expand pa ng kanilang negosyo sa lungsod!

Pinaunlakan at pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang RGS, sa pangunguna ng kanilang President at Chairman na si Ralph Santos, dahil sa pagtitiwala nito sa Quezon City bilang tahanan ng kanilang kompanya.

Binigyang-diin din ng alkalde na patuloy na nakikipagtulungan ang lungsod sa mga negosyo tulad ng RGS para maibigay pa ang mga serbisyong kailangan pa nila, at makapaghandog pa ng karagdagang manpower na oportunidad din para sa mga QCitizen.

Ang RGS ay isang outsourcing company na nakatutok sa Receivables Management, Credit Investigation, at Contact centers and Sales.

Kasama rin ni Mayor Joy sa inauguration ng additional floor ng RGS sina District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro at mga kinatawan mula sa Local Economic and Investment Promotions Office.

+7