NOVA HIGH SCHOOL, POWERED BY THE SUN! ![]()
![]()
![]()
Pinasinayaan ni Mayor Joy Belmonte ang solar power system ng Novaliches High School na mayroong 170 solar panels bilang bahagi ng solarization program ng Pamahalaang Lungsod Quezon.
Ayon sa QC Department of Engineering, tinatayang nasa P489,000 ang savings ng paaralan kada taon dahil sa solar power system na ikinabit ng lungsod.
Nais ni Mayor Joy na gawing solar-powered ang bawat eskwelahan sa QC upang makabawas sa gastusin sa kuryente. Ang matitipid na pondo ay maaaring ilaan sa mga pasilidad at proyektong magagamit ng mga kabataang QCitizens.
Kaisa sa programa sina Chief of Staff Rowena Macatao, District 5 Action Officer William Bawag, City Engineer Atty. Dale Perral, Education Affairs Unit OIC Maricris Veloso, Principal Gilore Ofrancia, P/B Fabie Ortega, at mga mag-aaral ng Novaliches High School.










