Welcome to City Hall, Philippine Red Cross!
Ngayong ika-77 anibersaryo ng Philippine Red Cross (PRC), pinasinayaan ng lokal na pamahalaan ang bagong building PRC QC Chapter sa Quezon City Hall.
Ang bagong 3-floor facility ng PRC ay may command center at itinalaga ang buong groundfloor nito bilang blood center.
Mismong sina Mayor Joy Belmonte, PRC Chairman and CEO at former Senator Dick Gordon, Senator Bong Go, PRC Governor Ernesto S. Isla at Congressman PM Vargas ang nanguna sa ribbon cutting ceremony.
Kasunod nito ay nanumpa rin ang aabot sa 5,000 na mga bagong volunteers ng PRC na idinaos sa Quezon Memorial Circle.
Dumalo rin sa programa sina former Speaker and Mayor Sonny Belmonte, City Administrator Mike Alimurung, mga QC department heads, at mga opisyal ng PRC.




