BAGONG CHILD DEVELOPMENT CENTER SA QC!
Nakibahagi si Mayor Joy Belmonte sa pagpapasinaya ng newly rehabilitated Philippine National Police (PNP) Child Development Center na pinangunahan ng PNP OLC Foundation Inc., sa Camp Crame ngayong araw.
Katuwang ng PNP OLC ang lokal na pamahalaan upang patakbuhin ang naturang center. Manggagaling sa Social Services Development Department ang mga gurong magtuturo sa mga estudyanteng nais mag-aral dito.
Ang bagong bihis na pasilidad ay may tatlong classrooms, mga opisina para sa principal, faculty, multipurpose room, library, prayer room, handwashing stations, at comfort rooms.
Ayon kay Mayor Joy, tinututukan ng lokal na pamahalaan ang early childhood education dahil dito nagsisimula ang paghubog ng kaalaman ng mga kabataang QCitizens.
Kasama ng Alkalde sa inagurasyon sina PNP Chief PGen. Rommel Marbil, PMGen. Roderick Alba, PNP OLC Foundation Adviser Mary Rose Marbil, PNP OLC President Leilani Alba, at iba pang opisyal ng PNP at ng foundation.




