Pormal nang binuksan ang bagong multipurpose building ng Barangay Vasra!
Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa ribbon-cutting ceremony ng gusali, na dagdag sa mga pasilidad na maaaring magamit ng mga QCitizen.
Sa unang palapag, mayroong mga opisina ng barangay at parking area. May daycare center naman sa 2nd floor, function hall sa 3rd floor, at open space sa roof deck area.
Dumalo rin sa ceremonial ribbon-cutting ng building sina Chief of Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, at Konseho ng Vasra sa pangunguna ni Chairperson Gildo Aviles.