Ipinagdiwang ng Quezon City ang ika-124 Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas ngayong umaga. 🇵🇭

Nag-alay ng bulaklak sina Vice Mayor Gian Sotto, mga opisyal ng pamahalaang lungsod at National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa bantayog ng mga bayani na sina Dr. Jose Rizal, Manuel Quezon, at Andres Bonifacio sa loob ng QC Hall compound.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang modern day heroes, tulad ng mga OFW, small business owners, at entrepreneurs na patuloy ding lumalaban para maiangat ang ekonomiya ng bansa sa kabila ng suliranin na hinaharap dulot ng pandemya.

Pinaalalahanan naman ni VM Gian ang mga QCitizens, lalo na ang mga kawani ng lokal na pamahalaan, na ipagpatuloy ang pagsisilbi at pagta-trabaho nang malinis at tapat para sa kapwa at ikauunlad ng lungsod at Pilipinas.

Kasama rin sa mga dumalo sa selebrasyon sina Congresswoman-elect Councilor Marivic Co-Pilar, Coun. Dorothy Delarmente, Coun. Peachy De Leon, Coun. Eric Medina, QC Fire District SSupt. Gary Alto, QCPD Director PBGen. Remus Medina, 1502nd QC Ready Reserve Brigade, mga department head, at mga staff ng ilang ahensya ng lungsod.