Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Pinuntahan nina Mayor Joy Belmonte at ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang ilan sa mga maanomalyang DPWH flood control projects sa lungsod.
Kabilang dito ang flood mitigation structure sa Culiat Creek na itinayo sa isa pang riprap; Mariblo Pumping Station na naka-obstruct sa daluyan ng tubig; Drainage System sa Barangay Tatalon; at Flood Mitigation Project sa kahabaan ng San Juan River.
Sa Quezon City, lumobo pa sa 331 ang natuklasang flood control projects ng DPWH na may kabuuang halaga na P17 Billion, base sa online sources at impormasyon mula sa mga punong barangay at QCitizen.
Handang makipagtulungan ang Quezon City Government sa ICI para matukoy at mapanagot ang mga sangkot sa ilang kwestyunableng proyekto.








