COVID-19 Updates

COVID-19 Updates (711)

COVID-19 Updates

Ayon sa Department of Health, 2000 na ang bilang ng nagpositibong kaso ng #COVID19PH sa lungsod. 1822 dito ang may kumpletong address sa QC. Umabot naman sa 1634 ang kumpirmado ng ating QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU). Ang datos mula sa DOH ay dumadaan sa validation ng CESU, health center staff at mga opisyal ng barangay para masigurong sila ay residente ng QC. Maaari pang magbago ang bilang ng mga kaso sa lungsod dahil na rin sa isinasagawang community-based testing.   For more updates visit: www.facebook.com/QCGov
Muli tayong namahagi ng 2,000 tulong pinansyal para sa vendors at hawkers ng lungsod ngayong araw. Ang Kalingang QC Program ay hatid ng ating lokal na pamahalaan kasama ang Sangguniang Panlungsod para sa mga sektor na lubos na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa enhanced community quarantine. Kabilang sa benepisyaryo ang mga lactating mother, driver ng pedicab, tricycle, jeep, AUV, taxi at TNVS, solo parents, vendors, Persons with Disability (PWDs) o kanilang mga magulang, at senior citizens. Pinalawig pa ang programa upang mabigyan rin ng tulong ang ating QC scholars. Magkakaroon pa ng payout sa susunod na mga araw. Nauunawan po…
TINGNAN: Nadagdagan pa ang mga mechanical ventilator sa ating mga ospital. Ito ang makina na tumutulong sa pasyente upang makahinga nang maayos. Sa ngayon, mayroon nang ventilators ang lahat ng ating mga pampublikong ospital sa lungsod na magagamit ng mga #COVID19PH patient. Maliban dito, nagdagdag din tayo ng patient monitors upang mas madaling makita ang medical vital signs ng pasyente at matiyak ang ibinibigay ng lungsod na high-quality health service. #LabanParaSaQC #QCLabanCOVID19
Mula ng buksan natin ang community-based testing centers sa bawat distrito, nakapag-swab test na tayo sa 6,278 na indibidwal. May resulta na ang 2,386 dito. 2,081 ang negatibo sa #COVID19PH, habang 305 naman ang nagpositibo. #LabanParaSaQC#QCLabanCOVID19#COVID19PH For more updates visit: www.facebook.com/QCGov
Mula ng buksan natin ang community-based testing centers sa bawat distrito, nakapag-swab test na tayo sa 6,074 na indibidwal. May resulta na ang 1,881 dito. 1,646 ang negatibo sa #COVID19PH, habang 235 naman ang nagpositibo. #LabanParaSaQC#QCLabanCOVID19#COVID19PH For more updates visit: www.facebook.com/QCGov
  QC partners with private sector for rapid testing To increase its efforts to proactively identify coronavirus disease (COVID-19) patients, the Quezon City government partnered with the private sector for rapid testing in some barangays. Quezon City received 3,800 rapid antibody-based diagnostic test (RDTs) kits from Project Ark, a private sector initiative, which will be used to screen and identify residents from selected barangays. “We appreciate the support of the private sector especially Project Ark in our battle against COVID-19. This initiative complements our efforts of intensive community testing to identify patients from our barangays,” Mayor Joy Belmonte said. Last…
Para sa vendors at hawkers, tingnan ang schedule ng Kalingang QC Program payout ngayong May 23, 2020. Ang Kalingang QC Program ay handog ng lokal na pamahalaan kasama ang Sangguniang Panlungsod para sa mga sektor na lubos na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa enhanced community quarantine. Kabilang sa benepisyaryo ang mga driver ng pedicab, tricycle, PUV, AUV, taxi at TNVS, solo parents, Persons with Disability (PWDs) o kanilang mga magulang, lactating mothers, at senior citizens. Sa susunod na mga araw ay mamimigay pa rin ng ayuda sa iba ibang lugar. Nauunawan po namin na marami kayong tanong tungkol sa programa,…
53,397 na ang natulungang lactating mothers, pedicab, tricycle, jeep, AUV, taxi, at TNVS drivers, solo parents, vendors,Persons with Disability (PWDs), at senior citizens sa Kalingang QC Program! Ito ang 2,000 pisong tulong pinansyal mula sa pamahalaang lokal at Sangguniang Panlungsod para sa mga sektor na naapektuhan ang kabuhayan ngayong ipinatutupad ang enhanced community quarantine. I-check kung kayo ay kwalipikado sa Kalingang QC Program: https://tinyurl.com/KalingangQCProcess Maaari rin po kayong mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. para sa inyong mga katanungan. #LabanParaSaQC #QCLabanCOVID19 For more updates visit: www.facebook.com/QCGov
Patuloy ang pamamahagi ng “unclaimed” payouts mula sa Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga kwalipikadong benepisyaryo. Ang ating team ay bumalik sa barangay Paang Bundok, NS Amoranto, Salvacion, Bagong Pag-asa, Project 6, Payatas, Bayanihan, Blue Ridge A, E. Rodriguez, Marilag, Kristong Hari, Immaculate Concepcion, Pinagkaisahan, Sacred Heart, Old Capitol Site, Baesa. Bawat pamilyang nakatanggap ng ayuda ay qualified, alinsunod sa guidelines na inilabas ng DSWD. https://tinyurl.com/QCSAPGuidelines Mamimigay rin po ng 4,000 pisong tulong mula sa pamahalaang lokal para sa mga kwalipikadong pamilya na hindi nakasama sa listahan ng DSWD. #LabanParaSaQC #QCLabanCOVID19 #COVID19PH…
Page 1 of 79

Who's Online

We have 351 guests and no members online