Payahag ng Quezon City Health Department

 
Batay sa panuntunan na inilabas ng Department of Health (Department Memorandum 2020-0258) , itinuturing nang magaling at maaari nang lumabas ang mga pasyenteng may COVID-19 na wala nang sintomas matapos makumpleto ang 14 na araw na quarantine period kahit wala nang swab o rapid testing basta pinayagan na ng duktor.
May posibilidad din na ang isang gumaling na pasyente ay magpositibo sa test kahit hindi na sila itinuturing na nakahahawa.
Ang nasabing panuntunan ay batay sa matibay na ebidensya at sinusunod din ito ng iba-ibang lokal na pamahalaan, bilang paraan sa pagdeklarang magaling na ang pasyente
Dahil dito, mahigpit na sumusunod ang Quezon City government sa national at international na mga panuntunan kaugnay ng "time-based" recovery period na aprubado ng mga eksperto.
 

Read 553 times

Who's Online

We have 191 guests and no members online