Quezon City COVID-19 Update: EECQ

Ang Extreme Enhanced Community Quarantine ay maaaring ipatupad lamang sa isang bahagi ng barangay, o sa kabuuan ng barangay. 

Ang mga lugar na isinailalim sa Extreme Enhanced Community Quarantine ay kung saan may mga “hot zone” o mga household na may positive #COVID19PH cases. Wala ng papayagang lumabas ng bahay. Ihahatid na lang sa kanila ang mga pang-araw araw na pangangailangan sa tulong ng barangay para maiwasan ang virus.

Ang Quezon City Health Department at Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council ang nagrerekomenda kung dapat isailalim sa EECQ ang isang lugar pagkatapos ng kanilang assessment.

#QCLabanCOVID19

For more updates visit: www.facebook.com/QCGov
 
Read 279 times

Who's Online

We have 165 guests and no members online