KALINGANG QC: Financial Assistance Program for Tricycle, PUJs & Pedicab Drivers

Ilulunsad ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang Kalingang QC, isang programa na magbibigay ng P2,000 tulong pinansiyal sa mga drayber ng PUJs, tricycles, at pedicabs na naapektuhan ang kabuhayan ng deklarasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ). Makikinabang din sa programa ang mga nagtitinda sa palengke, solo parents at PWDs na arawan ang suweldo.

Ang listahan ng mga kwalipikadong benepisyaryo ay ibabatay sa beripikadong listahan na ibibigay ng iba ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan.

Ang Kalingang QC program ay hiwalay pa sa iba’t ibang tulong mula sa pambansang pamahalaan, na magkatuwang na ipoproseso ng lokal na pamahalaan at mga barangay.

#QCLabanCOVID19 #COVID19PH #LabanQC

For more updates visit: www.facebook.com/QCGov

 

Read 549 times

Who's Online

We have 573 guests and no members online