Social Amelioration Program

Nagsimula nang mamahagi ng Social Amelioration Cards kahapon, April 13, ang lokal na pamahalaan. Sa ilalim ng Social Amelioration Program ng gobyerno, mabibigyan ng P8,000 tulong pinansyal ngayong buwan ang mga pamilyang nasa informal sector na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine. Ang listahan ng mga pamilyang dapat unahin mabigyan ng tulong ay ibinigay ng DSWD sa QC LGU.

Pagkatapos masagutan ang ipamimigay na form, kokolektahin ito at isusumite sa DSWD para maberipika. Babantayan din ng DSWD ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga benepisyaryo.

Ang mahigit P3 bilyong tulong pinansyal na hinati sa bawat distrito at barangay ay inilaan para sa 377,584 na pamilya. Nauunawaan namin na mas mababa ito sa kabuuang tinatayang bilang ng pamilya na kwalipikado sa programa sa lungsod.

Kaya umaapela kami sa DSWD na mabigyan sana ng karagdagang pondo para matulungan ang ibang kwalipikado sa programa pero wala sa listahan ng ahensya.

Bukod sa SAP, may ibang programa rin ang LGU na makatutulong sa mga nangangailangan gaya ng Kalingang QC at pamimigay ng food packs.

Narito ang listahan ng Social Amelioration Program Funding Allocation ng bawat distrito at barangay sa Quezon City: https://www.quezoncity.gov.ph/index.php/covid-updates/item/378-social-amelioration-program-sap-funding-allocation

#LabanParaSaQC
#QCLabanCOVID19
#COVID19PH

For more updates visit: www.facebook.com/QCGov

Read 5815 times

Who's Online

We have 436 guests and no members online