Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa Program

Pinangunahan ni Senator Bong Go kasama si Mayor Joy Belmonte at mga kinatawan ng iba’t ibang departamento ng pamahalaan ang “Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa Program” kung saan hinihikayat ang mga naninirahan sa lungsod na bumalik sa kanilang probinsyang pinanggalingan.

Sa tulong ng pamahalaan, ipagkakaloob sa kanila ang transportasyon, ang magiging kabuhayan, pabahay, ayuda at iba pang mga pangangailangan. Ang unang batch ng programa ay mula sa Quezon City, babiyahe papuntang Candahug, Leyte.

Bisitahin ang https://balikprobinsya.ph upang malaman ang mga detalye ng programa.

 

Read 535 times

Who's Online

We have 473 guests and no members online