Public Service Announcement: Kalingang QC

[Kalingang QC Advisory]

Patuloy pa rin ang pag-schedule ng Quezon City government ng pamimigay ng Kalingang QC. Sa ngayon, mahigit 63,000 na ang nabigyan ng ayuda mula sa programang ito. Para sa mga senior citizen, PWDs at solo parents na may ID na inisyu ng QC, hinihikayat namin kayong magpatala para sa online payout. Sa mga nagpatala sa online payout mula May 26 hanggang 28, tinatarget namin na maibigay ito sa pamamagitan ng Bank Transfer, GCash at PayMaya sa Miyerkules (June 3). At sa mga nagpatala pagkatapos ng nasabing petsa, ipagpapatuloy ang online payouts sa lalong madaling panahon pagkatapos nito.


Read 1795 times

Who's Online

We have 199 guests and no members online