COVID-19 Updates

COVID-19 Updates (762)

COVID-19 Updates

  Narito ang localized guidelines sa pagpapatupad ng General Community Quarantine (GCQ) sa lungsod Quezon simula June 1 hanggang June 15. Maaaring i-download mula dito ang buong file: Quezon City GCQ Guidelines  
Mula ng buksan natin ang community-based testing centers sa bawat distrito, nakapag-swab test na tayo sa 7,154 na indibidwal. May resulta na ang 3,738 dito. 3,308 ang negatibo sa #COVID19PH, habang 430 naman ang nagpositibo. #LabanParaSaQC#QCLabanCOVID19#COVID19PH For more updates visit: www.facebook.com/QCGov
Paalala sa ating QCitizens! Ang pagsusuot ng facemask ay mahigpit na ipinatutupad sa ating lungsod. Narito ang gabay sa tamang pagsuot, pagtanggal, at pagtapon ng inyong facemask. #LabanParaSaQC #QCLabanCOVID19 #COVID19PH
Nakabantay ang ating enforcers mula sa Task Force on Transport and Traffic Management team kasama ang PNP upang ipatupad ang kaayusan sa DMA San Pedro Bautista St., Brgy. Damayan at sa San Mateo/Batasan border, Brgy. Batasan Hills checkpoints. Nakamonitor din ang ating Market Development and Administration Department sa pampublikong pamilihan tulad ng Gatmaytan Market. Pinapaalalahanan ang lahat na sumunod sa mga patakaran na ipinapatupad ng ating mga kawani, i-praktis ang social distancing, magsuot ng face mask at dalhin lagi ang inyong quarantine pass. #LabanParaSaQC #QCLabanCOVID19 #COVID19PH
  Quezon City lifts special concern lockdown in 3 areas The Quezon City government has removed the Special Concern Lockdown (SCL) imposed in three areas after completing the 14-day period without new positive coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases.Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo said Masbate St. in Barangay Batasan Hills, and Victory Avenue and BMA Avenue in Barangay Tatalon are no longer under SCL following the recommendation of the Quezon City Health Department (QCHD).“These areas have completed the 14-day lockdown period, which also entailed rapid testing and confirmatory swab testing,” said Kimpo. Dr. Rolly Cruz, head of the QC-Epidemiology…
TINGNAN: Bumuo ang Quezon City - Department of the Building Official (DBO) ng disinfection tent para sa mga plano at dokumento para matiyak na malinis lahat ng ipo-prosesong papeles ng kanilang opisina. Ang disinfection area ay gumagamit ng Germicidal Ultraviolet (UV) Light o UV-C. Ang UV-C ay ultraviolet spectrum na nakakadisinfect at nakakapatay ng virus at germs. #LabanParaSaQC #QCLabanCOVID19 #COVID19PH  
Ayon sa Department of Health, 2127 na ang bilang ng nagpositibong kaso ng #COVID19PH sa lungsod. 1963 dito ang may kumpletong address sa QC. Umabot naman sa 1806 ang kumpirmado ng ating QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU). Ang datos mula sa DOH ay dumadaan sa validation ng CESU, health center staff at mga opisyal ng barangay para masigurong sila ay residente ng QC. Posible pang magbago ang bilang ng mga kaso sa lungsod dahil na rin sa isinasagawang community-based testing.   For more updates visit: www.facebook.com/QCGov
Mula ng buksan natin ang community-based testing centers sa bawat distrito, nakapag-swab test na tayo sa 7,077 na indibidwal. May resulta na ang 3,619 dito. 3,211 ang negatibo sa #COVID19PH, habang 408 naman ang nagpositibo. #LabanParaSaQC #QCLabanCOVID19#COVID19PH For more updates visit: www.facebook.com/QCGov
Page 1 of 85

Who's Online

We have 500 guests and no members online