Matagumpay na idinaos ang Information and Service Caravan on Child Labor Prevention and Elimination para sa mga batang manggagawa at kanilang pamilya sa lungsod noong February 20, 2025 sa QCX Business Center, Quezon Memorial Circle.

Pinangunahan ito ng Department of Labor and Employment – NCR (DOLE-NCR) at Quezon City Government bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na sugpuin at mas palawakin ang kaalaman ng publiko tungkol sa child labor sa buong bansa.

Nagbigay ng mensahe si QCPESO Manager, Rogelio L. Reyes para sa lahat ng dumalo sa programa.

Nagpahayag rin ng mensahe ng suporta sina Undersecretary Angelo M. Tapales, Executive Director ng Council for the Welfare of Children at Atty. Jerommel Gabriel, Division Chief of Bureau of Workers with Special Concerns – Young Workers Development Division.

Sa isinagawang programa, nakatanggap ng mga serbisyo ang child laborers at kanilang pamilya tulad ng health education mula sa Quezon City Health Department at assistance mula sa QC ID Team.

Ang mga magulang naman ay isinailalim sa profiling para mabigyan ng DOLE Integrated Livelihood Program mula sa DOLE – NCR.

Isa sa highlights ng programa ang paglagda sa Pledge of Commitment para sa pagpapatupad ng ILO Convention No. 190, kasama ang iba pang mahalagang ahensya ng pamahalaan.

Kabilang dito ang lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon, Council on the Welfare of Children (CWC), National Anti-Poverty Commission (NAPC), DOLE Bureau of Workers with Special Concerns (DOLE – BWSC), at Quezon City Program Implementation Sub-Committee on Child Labor (QC – PIC).

+9