Binisita ni Mayor Joy Belmonte ang mga infrastructure project sa mga Barangay ng Commonwealth at Holy Spirit para inspeksyunin ang epekto ng mga proyekto ng DPWH sa District 2 ngayong Sabado.
Ininspeksyon ni Mayor Joy ang proyektong retaining walls sa Commonwealth Creek. Ayon sa mga residente, ito ang naging sanhi ng pagtaas ng tubig at pagbabaha sa kanilang komunidad dahil pinasikip nito ang daluyan ng tubig sa creek.
Pinuntahan din ng alkalde ang Holy Spirit National High School na napag-alamang dating creek na tinayuan ng eskwelahan noong 2017.
Nakibahagi sa inspeksyon sina Chief of Staff Rowena Macatao, City Architect Ar. Red Avelino, City Engineer Atty. Dale Perral, Internal Audit Service Head Atty. Noel Gascon, Traffic and Transport Management Department head Dexter Cardenas, at District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro.










