AWARD-WINNING QC! 🏆

Personal na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang Innovative Changemaker Award na iginawad ng Department of Science and Technology (DOST) sa Lungsod Quezon.

Pinasalamatan ni Mayor Joy ang DOST sa pagpili sa QC bilang host city ng 3-day Regional Science, Technology, and innovation Week.

Ayon sa Alkalde, bukas ang lokal na pamahalaan na makipagtulungan sa DOST upang mapayabong pa ang mga scientific research at technological advancement ng bansa.

Sa 20th anniversary celebration ng DOST-NCR, kinilala bilang Regional Winner ng 2024 GRIND Award ang New Greenland Farmer’s Cooperative na bahagi ng Joy of Urban Farming program ng lungsod.

Itinanghal namang 2nd place winner sa Community Empowerment thru Science and Technology (CEST) Award ang Barangay Payatas sa pangunguna ni P/B Rascal Doctor.

Dumalo rin sa programa sina DOST Secretary Renato Solidum Jr, Former DOST Secretary Fortunato de la Peña, DOST-NCR Regional Director Romelen Trevsalles, at QC Department heads.

#TayoAngQC

#QC85th

+31