Ininspekyon nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benjamin Abalos, Mayor Joy Belmonte, at Department of Trade and Industry (DTI) Asec. Agaton Uvero ang mga rice retailer sa NEPA Q-Mart sa unang araw ng pagpapatupad ng mandated rice price ceiling alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na Executive Order No. 39, Series of 2023.

Nakiisa sa inspeksyon sina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes, Metro Manila Council Chairman at San Juan City Mayor Francis Zamora, Ms. Margie Santos ng QC Business Permits and Licensing Department, at Mr. Perry Dominguez ng QC Market Development and Administration Department.

Ayon kay Mayor Joy, handang magbigay ng karagdagang tulong ang pamahalaang lungsod sa mga small scale retailers na maaapektuhan ng price cap sa bigas sa pamamagitan ng pag-waive o pagbigay ng discount sa rental fee sa mga palengke.

Maaari ring matulungan ang mga small scale retailers sa lungsod sa pamamagitan ng Kalingang QC para sa Negosyo bilang tulong pinansiyal upang magpatuloy pa rin ang kanilang negosyo sa gitna ng pagpataw ng mandated rice price ceiling.

Siniguro ng alkalde na laging nakaagapay ang lokal na pamahalaan sa mga pangangailangan ng mga retailer at bukas sa pakikipagdayalogo ang QC sa mga market vendor.

+12