Pinuntahan ni President Ferdinand R. Marcos, Jr. ang nasunog na gusali ng San Francisco High School sa Quezon City upang inspeksyunin ang ginagawang konstruksyon ng bagong school building.
Kasama sa inspeksyon sina Department of Education Secretary Sonny Angara, Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon, Mayor Joy Belmonte, at SFHS Principal Marissa Nava-Rodriguez, bilang bahagi ng pagtitiyak na matatapos ang proyekto bago magsimula ang School Year 2026-2027.
Ang bagong gusali ay magkakaroon ng 36 classrooms, mula sa dating 12, upang tugunan ang overcrowding sa paaralan. Bukod dito, ang SM Foundation ay magtatayo pa ng dagdag na 24 classrooms.
Matatandaan na nasunog ang gusali noong Hunyo 15, 2025, isang araw bago opisyal na nagsimula ang School Year 2025-2026.








