Ininspeksyon ni Mayor Joy Belmonte ang Matalahib Creek kasama sina Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon at UP Resilience Institute Executive Director Dr. Mahar Lagmay bilang bahagi ng paghahanda ng lungsod sa nalalapit na tag-ulan.
Napagkasunduan na maghahain ang DPWH at Quezon City Government ng ilang posibleng hakbang tulad ng simulation ng UPRI, upang matukoy ang pinakamabisang hakbang laban sa pagbaha.
Ilan sa mga suhestiyon ang paggamit ng mobile pumping systems at pag-aayos o pagbubukas ng mga flood control barriers.
Tuloy-tuloy rin ang implementasyon ng QC Drainage Masterplan, kabilang ang konstruksyon ng mga karagdagang detention basin sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.
Patuloy ang koordinasyon ng pamahalaang lungsod sa mga katuwang na ahensya upang mapabilis ang pagtugon sa suliranin sa pagbaha sa Quezon City.










