Ininspeksyon nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Department of Education Secretary Sonny Angara, Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon, at Mayor Joy Belmonte ang dalawang bagong gusali sa San Francisco High School na handa nang magamit ngayong school year 2026-2027.
Ang apat na palapag na gusali na may 36 silid-aralan ay itinayo ng DPWH sa dating kinaroroonan ng nasunog na Dao Building.
Samantala, ang bagong Henry Sy Sr. Hall, na may apat na palapag na gusali at 24 silid-aralan ay itinayo ng SM Supermalls bilang suporta sa patuloy na pagbangon ng paaralan.
Dumalo rin sa aktibidad sina Vice Mayor Gian Sotto; Hans Sy, Chairman ng Executive Committee ng SM Prime Holdings; Hans Sy Jr., presidente ng SM Engineering Design & Development Corp.; Elizabeth Sy, president at chairman ng SM Hotels and Conventions Corp.; Hanna Carinna Sy, Assistant Vice President for Marketing and Leasing ng SM Supermalls; at Steven Tan, Presidente ng SM Supermalls.
Tuloy-tuloy ang pakikipagtulungan ng pamahalaan at pribadong sektor upang matiyak ang mas maayos, ligtas, at dekalidad na edukasyon para sa bawat mag-aaral sa lungsod.










