DAGDAG KAGAMITAN PARA SA PUBLIC SCHOOLS!
Patuloy ang pamamahagi ng Lokal na Pamahalaan ng mga karagdagang kagamitan sa mga pampublikong paaralan upang tugunan ang mga pangangailangan ng bawat estudyante at guro sa lungsod.
Ininspeksyon ni Mayor Joy Belmonte ang mga kagamitang ipamamahagi sa mga eskwelahan kasama ang 800 Smart TVs, 150 weighing scales, 160 air coolers, 1,570 kiddie tables at 6,280 chairs.
Layon ng Alkalde na magkaroon ng mga dekalidad na kagamitan ang mga public schools dahil makatutulong ito upang mapaunlad ang sistema ng edukasyon sa lungsod.
Kasama sa inspeksyon sina Councilor TJ Calalay, Chief of Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, City Architect Ar. Red Avelino, Internal Audit Service head Atty. Noel Gascon, Education Affairs Unit head Maricris Veloso, Dr. Jesusa Baetiong at James Lambengco mula sa Schools Division Office.




