Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nadadaanan na ng mga residente ng Barangay North Fairview at Sta. Lucia ang bagong tulay sa Tullahan River!
Ngayong Linggo, ininspeksyon ni Mayor Joy Belmonte ang bago at mas matibay na pedestrian bridge na nagkokonekta sa North Fairview at Sta. Lucia.
Bagamat nagagamit na, lalagyan pa ito ng ilaw at wire mesh sa railings para masiguro ang kapakanan at kaligtasan ng lahat ng dumaraan.
Ang steel pedestrian bridge na ito ay kapalit ng hanging bridge na nasira at gumuho dahil sa malakas na agos at walang patid na pag-uulan noong 2025.










