Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bawat itinalagang evacuation site ng QC Government ay siguradong may malinis at ligtas na supply ng tubig.
Tinitiyak ng Quezon City Health Department na malinis ang bawat pasilidad ng mga evacuation center, partikular ang mga Water, Sanitation, and Hygiene (WASH) Facilities.
Dapat may tubig at malinis ang water fountains na maaaring pagkuhanan ng inumin ng mga residente. Kailangan ding may sapat na supply ng tubig sa mga comfort room at lababo ng evacuation sites.










