Natapos na ng Quezon City Government, sa pangunguna ng Department of Engineering, ang pagpapailaw sa Aurora Boulevard, partikular sa bahagi ng LRT-2 Anonas Station. Kasama sa proyektong ito ang nauna nang natapos na pagpapailaw sa bahagi ng LRT-2 Cubao Station.
Kasabay nito, natapos na rin ang pagsasaayos ng mga bahagi ng sidewalk sa kahabaan ng Aurora Boulevard, kabilang ang pagkukumpuni at pagpipintura nito upang matiyak ang maayos at ligtas na daanan ng mga pedestrian.
Ang mga proyektong ito ay bahagi ng patuloy na hakbang ng lokal na pamahalaan upang matiyak na maayos, ligtas, at maaliwalas ang mga lansangan para sa mga QCitizens.






