Sinimulan na ng Quezon City Government, sa pangunguna ng Department of Engineering, ang pagpapailaw sa Aurora Boulevard, partikular sa bahagi ng LRT-2 Cubao Station, sa pamamagitan ng pag-install ng mga lighting at electrical fixtures upang mapabuti ang visibility at masiguro ang kaligtasan ng mga pedestrian at motorista sa lugar.
Kasabay nito, sinimulan na rin ang pagsasaayos ng bahagi ng sidewalk sa kahabaan ng Aurora Boulevard. Kabilang sa mga ginagawa ang pagkukumpuni at pagpipintura ng sidewalk upang mapaganda ang paligid at matiyak ang maayos na daanan ng mga pedestrian.
Katuwang ng City Engineering si District 3 Action Officer Tommy de Castro.
Ang mga proyektong ito ay bahagi ng patuloy na hakbang ng lokal na pamahalaan upang matiyak na maayos, ligtas, at maaliwalas ang mga lansangan para sa mga QCitizens.










