Bilang bahagi ng QC Re Vibe Project at pagsisikap ng Quezon City Government sa pagpapabuti ng mga pampublikong lugar, natapos na ang rehabilitasyon ng Litex Market sa pangunguna ng Department of Engineering.
Kabilang sa mga ginawa ang paglalagay ng mga steel railings sa mga sidewalk, construction ng directional island, at pag-install ng mahigit 100 streetlights upang mapanatiling maayos at ligtas ang lugar.
Kasama rin sa QC Re Vibe Project ng Litex ang District 2 Action Office, Department of Public Order and Safety (DPOS), Traffic and Transport Management Department (TTMD), Task Force Disiplina (TFD), Quezon City Police District (QCPD), at Barangay Commonwealth.
Ang rehabilitasyon ng Litex Market ay bahagi ng patuloy na pagpupursige ng lungsod na gawing mas ligtas at mas maayos ang mga pampublikong lugar para sa mga QCitizen.








