Matagumpay nang natapos ng Quezon City Government, sa pangunguna ng Department of Engineering, ang pagpapailaw sa Litex Market bilang bahagi ng QC Re Vibe Project. Higit sa 100 streetlights ang na-install at pinailawan, na nagpapaganda at nagpapalakas ng seguridad sa lugar.
Kasama rin sa proyektong ito ang naunang pagtatayo ng steel railings sa mga sidewalk at konstruksyon ng directional island. Layunin ng mga ito na gawing mas maliwanag, mas ligtas, at mas maayos ang mga pangunahing lansangan sa lungsod, na nakatutulong sa seguridad, mobility, at maayos na daloy ng trapiko.
Kasama rin sa QC Re Vibe Project ng Litex ang District 2 Action Office, Department of Public Order and Safety (DPOS), Traffic and Transport Management Department (TTMD), Task Force Disiplina (TFD), Quezon City Police District (QCPD), at ang Brgy. Commonwealth.
Sa pamamagitan ng mga proyektong ito, mas natitiyak ngayon ang kaligtasan ng mga QCitizens, at mas maayos na rin ang daloy ng trapiko para sa mga pedestrian at motorista sa paligid ng Litex Market.








