Aabot sa 164 QCitizen families ang nakatanggap ng financial assistance mula sa ilalim ng Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP) ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), sa pakikipagtulungan sa Quezon City Government.
Kabilang sa mga nabigyan ng tulong-pinansyal ang mga residenteng nasunugan at nawalan ng tirahan sa Barangay Tandang Sora, Sauyo, Matandang Balara, UP Campus, Culiat, Project 6, at Sta. Monica.
Sa IDSAP, P30,000 ang natanggap ng mga pamilyang ‘totally damaged’ ang tirahan, habang P10,000 naman ang ibinigay sa mga pamilyang ‘partially damaged’ ang bahay. Bago makatanggap ng financial aid, masusing sinusuri at bine-verify ng DSHUD ang bawat benepisyaryo na mula sa listahan ng QC Social Services Development Department (SSDD) at QC Housing Community Development and Ressetlement Department (HCDRD).
Tiniyak ni Mayor Joy Belmonte na maayos ang isinasagawang IDSAP payout, kasama si HCDRD Head Atty. Jojo Conejero.








