Lumikas ang mga kawani ng Quezon City Hall matapos maramdaman ang pagyanig ng 5.3 magnitude na lindol bandang 1:05 ng hapon ngayong araw.
Agarang nag-deploy ng mga team ang QC Disaster Risk Reduction and Management Council para sa Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) upang masiguro na ligtas ang mga gusali matapos ang pagyanig.
Idineklara nang ligtas bumalik sa mga opisina ang mga empleyado ng QC Hall bandang 2:05 ng hapon ayon na rin sa direktiba ng QC DRRMO at QC Engineering Department.
Base sa assessment ng QC DRRMO, walang naiulat na nasaktan at maayos na nakapag-evacuate ang mga kawani at publiko. Hinihikayat din ang paghahanda at pakikiisa sa quarterly earthquake drill na isinasagawa sa QC Hall.